ni Nitz Miralles @Bida | May 21, 2024
Galit pa rin ang ibang fans kay Xian Lim dahil sa breakup nila ni Kim Chiu at nakakaloka lang ang ibang reaction na sa sobrang galit nila kay Xian, parang sila ang nakarelasyon at hiniwalayan nito.
Nang i-post ni Xian ang poster ng Playtime, ang daming nega comments dahil in-open nito ang comment box ng Instagram niya.
Comment ng isa, ‘wag daw panoorin ang movie ng isang manloloko at manggagamit.
May mga sumunod pang comments na kumukuwestiyon sa pagiging aktor at direktor ni Xian, and in fairness, hindi niya dine-delete.
Sa interview kay Xian sa Philippine Star, nabanggit nito na si Kim ang nakipag-break sa kanya.
Hintayin natin kung magbabago ba ang trato ng mga fans kay Xian at kung babawiin ba nila ang bashing na ipinukol sa aktor dahil sa inamin nito.
Sa mga nanawagan na i-boycott ang movie, may sinabi ang isang former fan nina Xian at Kim. Hindi lang si Xian ang nasa cast ng movie, may mga kasama ito na naghahanapbuhay lang at madadamay sila dahil lang sa galit ng fans kay Xian.
Idagdag pa ang director na si Mark Reyes, ang staff at crew at mga producer ng Viva Films at GMA Pictures. Bakit nga naman sila idadamay kung wala naman silang kasalanan?
Mag-move on na raw ang mga fans at nakapag-move on na sina Xian at Kim.
Comments