ni Julie Bonifacio @Winner | January 18, 2023
Tinawag na "bastos" si Alex Gonzaga ng mga netizens pagkatapos mag-viral ang video ng younger sissy ni Toni Gonzaga na pinahiran ng icing ng cake sa noo ang isang waiter.
Trending agad sa Twitter si Alex dahil sa ginawa niya sa waiter.
Tweet ng nag-post sa video ni Alex, “I guess masama talaga ang ugali niya. That wasn’t funny.
Ni hindi niya naman kilala 'yung server (he looks like a server). Bastos.”
Super react ang mga netizens sa ginawa ni Alex.
“Iyong inasal ni Alex Gonzaga, hindi 'ugaling squatter' ang tawag doon. Marami sa mga gaya kong laking-squatter ang alam at naisasabuhay ang GMRC.”
May nag-isip agad kung ano’ng gagawin ni Alex pagkatapos niyang pahiran ng cake ‘yung waiter.
“Mamaya, may vlog na 'yan na hahanapin niya si kuya server, tapos may mga ibibigay na kineso.
Pwe!”
“Or lalabas sa vlog si kuya server at sasabihin na for fun lang 'yun at okay lang. Isang bayad lang d'yan ni Mommy at konting pitik sa ninong ni ate.”
“No content will ever replace dignity, jusko naman. Kinakawawa talaga 'yung working class natin.
Nakaka-burden din kasi, oo nga, nakakuha ka nga ng pera, pero kung hindi nakuha ito sa internet, baka hindi rin naman sila magso-sorry or mag-compensate sa tao...”
“Trueeee, haha! Magkaka-content na naman ang bastos girl! Baka pagkakaperahan pa ng hayufness."
Pati ang mister ni Alex na si Lipa Councilor Mike Morada ay ‘di nakalusot sa mapanuring mata ng mga netizens.
“The crowd screamed, pero 'yung hubby niya, nakatawa pa. Tolerated.”
“@Mscathygonzaga ipinahid mo sana sa asawa mo.”
Pati ang buhay ni Alex during her high school days sa isang Catholic school ay kinalkal ng mga netizens.
“Mga madre sa Catholic school na pinasukan niya, sinukuan siya. Muntik na raw hindi maka-graduate 'yan. I watched it somewhere, kuwento niya 'yan mismo sa vlog.”
Ikinonek din ng mga netizens sa nangyari ang pagiging ADHD daw ni Alex.
“ADHD in adults is even more difficult to manage. Her impulsivity and carelessness, ughh!”
“Meron siyang ADHD? Or baka excuse lang?”
“Please don't defend her by saying she has ADHD. Sadyang bastos lang po siya at walang manners.”
Ganern?
Comments