ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 5, 2021
Magpapabakuna na kontra-COVID-19 si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ng vaccine mula sa British-Swede firm na AstraZeneca.
Sa isinagawang press conference sa Southern Philippines Medical Center, Davao City, sinabi ni Duque na magpapabakuna siya ng AstraZeneca matapos tanungin ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Saad ni Duque, “Ang maganda po sa AstraZeneca, siya po ay puwede rin sa mga 60 years old and above. “At ang sagot ko sa katanungan ni Spox ay magpapabakuna na rin po ako pagdating ng AstraZeneca dahil bilang isang doctor na nagbabakuna rin at humaharap sa mga pasyente at nag-i-inspect ng mga healthcare facilities, mga ospital, mga temporary treatment and monitoring facilities.”
Dumating sa bansa ang 487,200 doses ng AstraZeneca vaccines mula sa World Health Organization-led COVAX facility kagabi.
Samantala, hindi nakapagpabakuna si Duque ng Sinovac vaccine dahil sa umano'y age restriction sa paggamit nito, sang-ayon sa inirekomenda ng Food and Drug Administration (FDA).
Comments