Dumayo pa ng Davao para sa hearing… ENCHONG, NAKIPAGHARAP SA CONG. NA NAGDEMANDA SA KANYA NG P1 B
- BULGAR
- Jun 3, 2022
- 1 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | June 3, 2022

Tuloy pa rin pala ang libel case na isinampa kay Enchong Dee ng partylist representative na si Claudine Bautista-Lim last year.
Si Rep. Claudine ay kumakatawan sa Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) Partylist.
Kahapon ay naispatan si Enchong ng mga taga-Digos City sa Davao del Sur. Personal na nagpunta si Enchong sa Justice Hall ng Digos City para sa mediation hearing ng billion-peso libel case laban sa kanya ni Rep. Claudine.
To recall, nag-tweet kasi si Enchong noong August 14, 2021 in connection sa ginanap na magarbong wedding ni Rep. Claudine sa Balesin Island, Polilio, Quezon. Pero kahit nag-sorry si Enchong via social media, itinuloy pa rin ni Rep. Claudine ang kanyang demanda sa aktor.
Hoping na during the mediation hearing, may positive result naman na kinahinatnan ang pagpunta ni Enchong sa Digos City.
Comments