ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 26, 2021
Nagpositibo sa COVID-19 Delta variant ang apat na katao matapos dumalo sa isang birthday party sa Cagayan de Oro.
Ayon sa ulat, mula sa trabaho sa Bukidnon, umuwi sa Cagayan de Oro ang isang indibidwal para dumalo sa birthday party noong June 18.
Ilang araw din umanong nanatili sa Cagayan de Oro ang naturang indibidwal at nakaranas ng mga sintomas ng COVID-19. Nang sumalang ito sa RT-PCR test, nakumpirmang positibo siya sa Coronavirus.
Lima sa mga bisita ang nagpositibo sa COVID-19 kung saan apat ang tinamaan ng Delta variant. Kaagad namang nagsagawa ng contact tracing ang health authorities at mino-monitor na ang mga nagpositibo.
Saad ni Dr. Rontgene Solante, infectious diseases expert, “Even if you are fully vaccinated, your vaccination will only protect you from getting the more severe COVID, but that will not also make you not vulnerable from not getting the infection.”
Samantala, sa ngayon ay mayroon nang naiulat na 119 kaso ng Delta variant sa bansa kung saan 12 ang active cases, 103 ang gumaling at 4 ang nasawi.
Comentarios