ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | December 18, 2020
Nagsalita na ang Tribal leaders of the Kaksaan Ne Dumaget De Antipolo, Inc. nitong Disyembre 15, 2020 sa isang press conference tungkol sa akusasyon ng mga opisyal ng Masungi Georeserve na pinangungunahan ni Benjamin Dumaliang, President ng Blue Star Construction at Development Corp at operator ng Masungi na sila umano ay mga illegal loggers, squatter at land grabber na naging dahilan ng pagbaha sa Marikina City.
Ayon kay Tribal Chiefstain Ernesto Doroteo na isang Bayaning Filipino Awardee noong 2006, puro kasinungalingan umano ang sinabi ng Masungi at sila umano kasama ang mga military ang kumukuha at nagpapalayas sa kanilang property noong Oktubre 2020. At kung hindi umano sila tinulungan ni Retired Gen. Luizo Ticman simula 1990, wala na umano ang kanilang mga ancestral homeland.
Ibinahagi naman ni Enrico Vertudez, Kaksaan president; Alex Bendaña, chieftain at ng security guards ng Dumagats ang mapa ng kanilang nasasakupan na kinuha umano ng Masungi kasama ang kanilang Sacred Ground.
Dagdag pa ni Doroteo, matagal na umanong magka-partner ang Dumagat at Ticman sa pagprotekta sa kalikasan sa pamamagitan ng ilang livelihood projects simula pa noong 1990.
Kaya naman noong 2019, lumapit ang mga ito kay Ticman upang matulungan sila sap ag-develop ng kanilang kalupaan at ito ay nagresulta ng pagkakaroon ng proyektong kung tawagin ay Sustainable Integrated Development Plan (SIDP).
“Through the media, we are seeking the help of President Duterte and the National Commission on Indigenous People (NCIP) and DENR to uphold the rule of law and not to believe the lies peddled by Masungi. We, as the legal and real stakeholders, are culturally and legally-bound to preserve and conserve our ancestral domain,” sabi ni Doroteo.
Ayon naman sa abogado ng mga ito na si Juancho Botor, magsasampa na umano ito ng kaso laban sa Masungi upang maprotektahan ng mga Dumagat ang kanilang lupain at hindi na sakupin pa ng Masungi.
Nakapaglabas na rin ang mga Dumagat ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) upang makapaglagay ng border sa kanilang ancestral domain.
Comentarios