ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 30, 2024
Photo: Bea Alonzo at Jake Cuenca - IG
Sa mahigit dalawang dekada na ni Jake Cuenca sa showbiz industry at naging bahagi ng Kapamilya Network, isa pala si Bea Alonzo sa mga pangarap niyang maging leading lady.
Inamin ito ni Jake nang makatsikahan namin recently para i-announce ang kanyang mga bagong projects na gagawin matapos mag-sign ng three-year renewal of contract sa ABS-CBN, kung saan ang isa nga ay ang murder mystery series na What Lies Beneath na mula sa Prime Video at ang isa pa ay ang original film na The Delivery Guy na ididirek ni Lester Pimentel at mapapanood sa Netflix.
Ani Jake na kinikilala bilang isa sa magagaling na aktor ng kanyang henerasyon, gustung-gusto niyang makatrabaho 'yung talagang pinakamagagaling umarte at maituturing na 'brilliant actors' tulad na nga lang ni Bea at ni Maricel Soriano.
Kung 'di kami nagkakamali, natatandaan naming inamin ni Bea noon na nanligaw sa kanya si Jake pero mas pinili nilang maging magkaibigan na lang.
Ang naging boyfriend ni Bea ay ang isa sa mga best friends ni Jake na si Gerald Anderson.
Biniro nga namin si Jake na hindi kaya damay siya sa 'galit' ni Bea sa ex nitong si Gerald dahil BFF niya ang huli?
Natatawa namang sagot ng guwapo at magaling na aktor, "We're good, okay kami, okay kami. Labas ako ru'n."
Sabi pa ni Jake, sina Paulo Avelino at Gerald nga rin mismo ang nagsabi sa kanya na dapat makatrabaho niya si Bea dahil na-experience na ng dalawang aktor na makasama sa project ang aktres.
Namumudmod na rin ng ayuda…
WILLIE, GINAGAYA NG ANAK KAY LIZ ALMORO
LIKE father, like son.
Sa mga anak ni Willie Revillame, mukhang ang bunso niyang si Juamee sa ex-wife na si Liz Almoro ang susunod sa kanyang yapak.
Nineteen years old na pala ngayon si Juamee at ang chika sa amin ng trusted staff ni Kuya Wil na si Wheyee Lozada, imbes magpa-party, mas pinili na lang ni Juamee na mag-gift-giving sa mga batang maysakit sa National Children's Hospital sa QC bukas,
Huwebes, 9-11 AM.
Malaking impluwensiya si Kuya Wil sa anak dahil mula pagkabata ni Juamee, nakikita na niya ang ama na tumutulong sa mga mahihirap at namimigay ng ayuda mula sa sarili niyang bulsa.
For sure ay ikatutuwa rin ni Kuya Willie na may susunod na sa kanyang yapak, hindi man siguro sa showbiz, baka sa public service.
Anyway, nag-react daw si Kuya Wil sa naisulat naming suportado siya ng isang big time businessman na may negosyong mining sa kanyang pagtakbong senador.
Kaya naman, binalikan namin ang aming source at ipinalinaw dito ang unang itsinika sa amin.
Inamin naman nitong hindi kami nagkaintindihan dahil congressman pala sa isang probinsiya ang sinasabi niyang tumutulong kay Kuya Wil at 'yung ikinukuwento niyang big time businessman na may negosyong mining ay ibang artista ang sinusuportahan.
NASA Bilyonaryo News Channel (BNC) na pala ang award-winning documentary series na Dayaw ni Senator Loren Legarda.
Nagsimula itong umere nu'ng Sabado, Oktubre 26, kung saan iniimbitahan ng Dayaw ang mga manonood na sumama sa paglalakbay sa mga makukulay na tanawin ng Philippine cultural heritage.
Proyekto ito ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na naging posible dahil sa matatag na suporta ni Legarda mula nang ilunsad ito noong 2015.
Bida sa Dayaw ang mga katutubo ng bansa, kanilang mga kaugalian, ritwal, tradisyon at mahalagang papel sa paghubog ng Filipino cultural fabric.
Sa bawat episode, ginagabayan ni Sen. Legarda ang mga manonood sa pamamagitan ng mga kaugalian at gawi na nagbubuklod sa mga katutubong pamayanan, na nagpapakita ng kanilang malalim na paggalang sa kalikasan, katatagan at mga survival method na patuloy na nagpapayaman sa kanilang buhay.
Saksihan ang mga kuwento, hamon at katatagan ng mga katutubong komunidad at magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa ating pamana sa Dayaw sa Bilyonaryo News Channel na available sa BEAM TV 31 (maa-access sa pamamagitan ng digital TV boxes sa Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Baguio, Zamboanga, at Naga), Converge Channel 74 at sa Cignal Channel 24.
Comments