top of page
Search

Dudang may relasyon ang mister at ina

BULGAR

ni Sister Isabel del Mundo @Mga Kuwento ng Buhay at Pag-ibig | March 1, 2023



Dear Sister Isabel,


Magandang araw sa inyo r’yan.

Gusto kong humingi ng payo sa inyo tungkol sa nanay ko na kasama namin ng mister ko sa bahay. Napansin kong may lihim siyang pagtingin sa mister ko at kinakabahan ako, lalo na kapag sila lang ang naiiwan sa bahay tuwing may seminar ako sa ibang lugar.


Minsan ay nahuli ko ang malalagkit nilang tinginan sa isa't isa at ramdam ko na may kakaibang namamagitan sa kanila na para bang may nangyayari na sa kanilang dalawa tuwing wala ako.


Ano ang dapat kong gawin kung totoo ang hinala ko? Umaasa ako na mabibigyan n’yo ako ng kaukulang payo.

Nagpapasalamat,

Sherly ng Batangas


Sa iyo, Sherly,


Nakakalungkot naman ang problemang dinulog mo sa akin dahil mismong nanay mo ang naging kaagaw mo sa atensyon ng iyong asawa.


Makabubuting siguraduhin mong tama ang hinala mo at hulihin sila sa akto na kunwari ay a-attend ka ng seminar sa malayong lugar. Kung totoo ang hinala mo at nahuli sila sa akto, makipaghiwalay ka na sa asawa mo dahil hindi siya karapat-dapat mahalin.


Tungkol naman sa nanay mo, huwag ka nang kumibo, umalis ka na lang ng tuluyan sa bahay na ‘yan, na siyang naging pugad ng kataksilan ng iyong asawa at ina. Lumayo ka na sa kanila, tutal may trabaho ka naman, mamuhay ka na lang nang malayo sa kanila.


Ang Diyos ay makatarungan at bahalang magparusa sa kanila. Makikita mo na susuwertehin ka sa buhay, samantalang katakot-takot na kamalasan naman ang sasapitin ng mga nagtaksil sa iyo. May awa ang Diyos at tiyak na makakatagpo ka rin ng lalaking magmamahal nang tapat habambuhay. Liligaya ka rin sa pag-ibig kung hihilingin mo sa Diyos.


Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page