top of page
Search
  • BULGAR

Dudang may iba na… Dalaga, dapat nang palayain ang BF

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | June 16, 2024



Dear Maestro, 


Ang problema ko ngayon ay nakikipag-break sa akin ang nobyo ko. Hindi ako pumayag, dahil wala naman siyang malinaw na dahilan para makipagkalas sa akin. 


Sa tingin ko kaya siya nakikipag-break dahil may iba na siyang babae na ipinalit sa akin. Mahal na mahal ko siya at ayokong mawala siya sa akin. 


Isa pa, nanghihinayang din ako sa mahabang panahon ng aming pagsasama. 

Ano ba ang dapat kong gawin upang hindi niya na ako ipagpalit sa iba? Ang birthday ng boyfriend ko ay January 16, 1994 habang August 12, 1998 naman ang birthday ko.


Umaasa,

Jenny ng Daang Pare, Orion, Bataan

  


 

Dear Jenny, 


Kung ka-compatible mo sana siya sa Numerology o Astrology, makakagawa pa sana tayo ng paraan upang hindi siya maagaw ng ibang babae. Kaya lang sad to say, hindi magka-compatible ang zodiac sign mong Leo at Capricorn mong boyfriend, ganundin ang birth date mong 12 o 3, (ang 12 ay 1+2=3) sa birth date na 16 o  7  (ang 16 ay 1+6=7) ng boyfriend mo.


Ibig sabihin, manatili man kayong magkasama, sa bandang huli hindi rin magiging maligaya at successful ang inyong relasyon na obvious namang hindi kayo tugma at compatible sa isa’t isa.


Kaya kahit pa sabihing mahal mo siya, dapat lang na palayain mo na siya, dahil sa ganu’n paraan ka lamang makakatagpo ng lalaking mas ka-compatible o katugma mo.


Ayon sa zodiac sign mong Leo at birth date na 3, ka-compatible mo silang isinilang sa zodiac sign na Aries, Sagittarius, Aquarius at Leo, higit lalo silang may birth date na 9, 18, 27, 6, 15, 24, 4, 13, 22, 31, 1, 10 19 at 28.


Sa piling ng nasabing lalaki, sa susunod na pag-ibig, oo sa susunod na pakikipag-relasyon, bukod sa hindi ka na niya iiwan, makakasumpong ka pa ng isang maligaya at panghabambuhay na samahan na nakatakdang mangyari at maganap matapos kayong mag-break ng kasalukuyan mong boyfriend na kinumpirma ng Love Calendar mo na sa taong 2026 sa buwan ng Marso hanggang Abril, sa edad mong 28 pataas.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page