SA TWITTER KA NAGTATANONG.
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 08, 2021
Na-bash na naman si Senate President Tito Sotto dahil lang sa kanyang simpleng tweet sa Twitter account niya last Aug. 5 na ganito ang nakasaad: "Out of 6,879 Covid positive cases the other day, how many did they test for Delta variant? All? Where? What lab?"
Kung uunawain ang mensahe ni Tito Sen, tipong duda at kinukuwestiyon nito ang kredibilidad ng figures na inilalabas ng DOH kaugnay ng COVID cases at Delta variant na mas pinangangambahan ngayon.
Sa reply section ng kanyang tweet, may mga netizens na um-agree naman kay Sen. Tito dahil mukhang duda na rin sila kung bakit napakabilis ng pagtaas ng cases ng Delta variant pero wala namang ibang detalyeng inilalabas ang Dept. of Health.
Sabi ni fathermucker, "Wala po eh, kung 'yung COVID na 'yan, 'di naman na-isolate ng CDC, eh, sa paanong paraan po magkaka-variant?! It's about control lang po... COVID is hoax po."
Pero may ilan namang binash si Tito Sen dahil naturingan daw itong nasa posisyon, bakit sa Twitter pa nagrereklamo?
Agree rin si @Bhyron, "Ask yourself, provide us the info. May access ka, 'di ba? Senador ka. Tanungin mo ba naman ang Twitter."
From userlynn9, "Tito Sen, pumunta ka sa Davao, mag-attend sa meeting ng amo mo para malaman mo. Hindi dito sa Twitter ka nagtanong kasi lumabas ka na eng-eng dito."
Isang Juan dela Cruz naman (troll account kaya?) ang nagsabing, "Gunggong! Senator ka and you’re asking these questions on Twitter? Gamit-gamit din ng kukote 'pag may time."
Feeling namin, gusto lang marinig ni Tito Sen ang opinyon ng bayan kung tulad niya ay duda rin sa mga nangyayari ngayon.
Pero may punto rin ang mga netizens na since nasa posisyon naman ang aktor-pulitiko, eh, umaksiyon na siya at 'wag puro tweet lang.
Comments