top of page
Search

DTI Sec. Ramon Lopez, nagka-Covid ulit

BULGAR

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 18, 2021




Nagpositibo muli sa COVID-19 si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, ayon sa ipinarating niyang text message ngayong umaga, Marso 18.


Aniya, “I regret to inform you I tested positive again. Got the result just this morning. I am asymptomatic. I will have another test later to confirm. Hoping false positive.”


Kilala si Lopez sa mga adbokasiya niya pagdating sa ekonomiya at isa rin siya sa mga namamahala hinggil sa muling pagbubukas ng ekonomiya sa kabila ng patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa bansa.


“Been wearing a mask and shield and distancing outside home but still got hit,” dagdag pa niya. Nauna nang iniulat na nagpositibo rin sa naturang virus sina Interior Secretary Eduardo Año, Education Secretary Leonor Briones at Public Works Secretary Mark Villar, na pare-parehong magaling na.


Sa ngayon ay isinasailalim na si Lopez sa isolation. Matatandaang Disyembre noong nakaraang taon nang una siyang magpositibo sa virus.


Recent Posts

See All

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page