top of page
Search

DTI sa manufacturers: Tigil sa taas-presyo

BULGAR

ni Mai Ancheta @News | September 15, 2023




Pakikiusapan ng Department of trade and Industry (DTI) ang mga manufacturer na huwag munang magtaas sa presyo ng kanilang produkto hanggang sa katapusan ng taon.


Kasunod ito ng survey na maraming kumpanya ng mga produkto ang nagbabalak na magtaas ng presyo dahil sa tumaas na halaga ng raw materials na kanilang ginagamit sa kanilang produkto.


Ayon kay DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco, kakausapin nila ng mga manufacturer upang pakiusapang huwag munang sumabay sa mga nagtataasang presyo ng commodities.


Sa kasalukuyan ay mayroong pending request ang 14 na manufacturers para magtaas ng presyo ng kanilang produkto sa DTI.


Hindi pa ito inaaksyunan ng ahensya dahil binabalanse ang sitwasyon lalo na at mataas pa rin ang inflation.


Batid ng DTI na apektado rin ang mga manufacturer sa mataas na presyo ng kanilang ginagamit na raw materials kaya pakikiusapan ang mga ito na hangga't kaya pa ay huwag munang sumabay sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.


Bukas naman ang isang kumpanya ng sardinas na makipagdayalogo sa DTI upang ipaliwanag kung bakit kailangan nilang magdagdag sa presyo ng kanilang produkto.



0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page