ni Mylene Alfonso @News | July 29, 2023
Suportado ng Alliance of International Shipping Lines (AISL) at Alliance of Container Yard Operators of the Philippines (ACYOP), ang 6-point agenda ng Department of Trade and Industry (DTI) para makamit ang food security ng bansa.
Sa post-SONA briefing sa food security, sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na para mabawasan ang transport at logistic cost, dapat magkaroon ng moratorium sa pagpataw ng dagdag ng port fees at iba pang charges, zero tolerance sa gray cost at batas para ma-regulate ang international shipping charges.
"We fully support and we extend our gratitude to the Department of Trade and Industry for its invaluable recommendations. It is imperative that we put an end to the burden of unnecessary port fees, which only exacerbate inflation and adversely impact the prices of essential commodities," sabi ni Patrick Ronas, President bg AISL.
Binigyang diin naman ni Roger Lalu, chairman ng ACYOP, ang mahalagang papel ng logistics sa paggalaw ng mga produkto at kinatigan ang pagsuporta ng AISL sa agenda gn DTI.
Ayon pa sa dalawang grupo, mahalagang mapakinggan ng DTI ang panawagan na tanggalin ang Philippine Port Authority controversial container registry, monitoring, and storage system o mas kilala sa tawag na Trusted Operator Program-Container Registry and Monitoring System (TOP-CRMS).
Comentarios