ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 29, 2023
Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maaaring magkaroon ng access sa kanilang serbisyo ang mga jeepney driver na maaapektuhan ng implementasyon ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Isa ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa mga programa ng DSWD na nagbibigay ng agad at pansamantalang tulong sa mga indibidwal at pamilyang dumaranas ng krisis.
Ayon sa Direktor ng Program Management Bureau (PMB) ng DSWD na si Miramel Laxa ngayong Biyernes, Disyembre 29, maaaring magamit ng mga jeepney driver ang AICS dahil sila'y maituturing na nasa krisis.
“Availing of AICS can help them meet their basic needs through different forms of assistance such as food, and cash aid, among others,” pagbibigay-diin ni Laxa.
Nilinaw rin Laxa na ang ayuda mula sa programa ng AICS ay isang beses lamang na tulong.
Comments