ni Mylene Alfonso | January 31, 2023
Nagbanta si Presidential Chief Legal Counsel Juan Ponce Enrile na ipaaaresto ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) na magtutungo sa Pilipinas upang imbestigahan ang anti-drug war campaign ng dating administrasyong Duterte kung hindi sila hihingi ng pahintulot mula sa gobyerno.
Nanindigan si Enrile na hindi papayagan ng gobyerno ng Pilipinas ang sinuman sa mga opisyal na imbestigahan at litisin ng international court.
“We will not allow any of our officials to be investigated or tried by the International Criminal Court,” pahayag ni Enrile sa sidelines ng Philippine Development Plan Forum sa Pasay City kahapon.
Sinabi rin ni Enrile na walang dahilan para magimbestiga ang ICC dahil gumagana ang judicial system sa bansa.
“I’m telling you as lawyer of the President, I will not allow as far as I am concerned, I will not recognize the jurisdiction of the International Criminal Court of Justice. They have no sovereign power over us,” diin ni Enrile na dati ring nagsilbi bilang Senate President.
Kung magpupumilit umano ang mga taga-ICC ay kanya itong ipahuhuli. “If they will come here, if I were to be followed, I will cause their arrest. They interfere too much in our internal affairs,” hirit niya.
“We do not have an uncivilized judicial system. I will not allow them to come here to the country to investigate here.
They have to ask permission,” wika ni Enrile.
Dagdag ni Enrile, non issue ang usapin at hindi nila kailanman napag-usapan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang tungkol sa nasabing bagay nang tanungin kung
napag-uusapan nila ang naturang isyu.
“Hindi namin pinag-uusapan ‘yan,” ayon pa kay Enrile.
Comments