top of page
Search
BULGAR

Drayber at sasakyan, tiyaking nasa kondisyon bago biyahe

by Info @Editorial | Dec. 16, 2024



Editorial

Mula Disyembre 20, 2024 hanggang Enero 6, 2025 inaasahang aabot ng tatlong milyong pasahero ang dadaan sa Passenger Integrated Terminal Exchange (PITX) para sa inaasahang Christmas exodus patungong probinsya.Kaugnay nito, ayon sa PITX, nakipagpulong na sila sa mga bus operator para matiyak na may sapat na bus na bibiyahe.


Kung saan, nakipagpulong na rin sa mga ahensya ng gobyerno para magbigay ng mga special permit sa mga bus upang makabiyahe sa mga lugar na maraming pasahero kahit hindi nila sakop na ruta.


Nagdagdag na rin umano ng mga security personnel kabilang na ang mga pulis at tauhan ng Philippine Coast Guard para magbigay ng seguridad sa PITX. 


Isa pa sa pinakamahalagang paghahanda ay ang matiyak na nasa kondisyon ang mga drayber at sasakyan.


Suriing mabuti ang mga bus driver bago bumiyahe para matiyak na hindi sila nasa ilalim ng impluwensya ng ilegal na droga at alak. 


Kailangan ding matiyak na ang mga bus ay maayos upang maiwasan ang disgrasya. 


Lagi nating isipin na sa kada biyahe, bawat pasahero ay may pamilyang umaasa at nagtitiwala na sila’y maayos at ligtas na makakarating sa kanilang destinasyon at ganundin sa kanilang pag-uwi.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page