ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 7, 2022
Maganda ang plano ng GMA Network para sa Bb. Pilipinas First Runner-Up na si Herlene Budol.
Isang malaking serye ang inihahanda para sa kanya. Inaayos na ang casting at naghahanap na ng magiging leading man na sikat na Kapuso actor.
Matangkad si Hipon Girl kaya dapat na mataas din ang aktor na kanyang makakapareha.
Seryoso ang role ni Herlene Budol sa seryeng ibibigay sa kanya kaya kailangan niyang mag-undergo ng acting workshop upang mahasa nang husto sa pag-arte.
Hindi na siya ang dating si Hipon Girl na pakomedi-komedi lamang. Ibi-build-up na siya bilang isang ganap na aktres.
Nang manalo si Herlene Budol sa Bb. Pilipinas, tumaas ang expectation sa kanya ng publiko. Ang dati niyang simpleng pangarap lang na maging artista upang makatulong sa kanyang pamilya ay ibayong suwerte ang dumating.
Hindi na siya ngayon maaapi at mabu-bully. Dahil sa tulong ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino at ng GMA Network, mas sisikat pa nang husto si Herlene na dati lang studio audience at naging co-host ni Willie Revillame sa programang Wowowin.
Comments