top of page
Search
BULGAR

Door-to-door pre-registration ng National ID, sisimulan sa Oktubre

ni Thea Janica Teh | August 31, 2020



Plano nang simulan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pre-registration process ng National ID system sa Oktubre bilang paghahanda sa mass registration, ayon kay acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua.


Noong Hulyo, sinimulan na ng PSA ang door-to-door pre-registration process para sa

Philippine Identification System (PhilSys)na may layuning mas mapabilis ang proseso sa

registration center.


Sa system na ito, kukuhanin ang pangalan, edad at demographic information. Ang biometric information naman tulad ng fingerprint, iris scan at front-facing photographs ay kukuhanin sa appointment date at registration system.


Bukod pa rito, layunin din nitong maisagawa ang social distancing at maiwasan ang dagsa ng tao pagdating sa registration center.


Ang PhilSys ay isang foundational ID system na maaaring magamit bilang proof sa identity para sa lahat. Masusuportahan nito ang inisyatibo ng pamahalaan na protektahan ang pagkakakilanlan ng bawat residente at mas mapabilis ang pagpapalit sa digital economy.


Ito rin ay makatutulong sa mga pamilya na makapagbukas ng bank account at mas

mapabilis ang distribusyon ng ayuda sa hinaharap.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page