ni Nitz Miralles @Bida | June 24, 2024
Isyu pala sa ibang fandom ang pagkapanalo nina Alden Richards at Kathryn Bernardo bilang Most Outstanding Love Team of the Gawad Dangal Filipino Awards 2024.
Ang reklamo, bakit daw nanalo sina Kathryn at Alden, hindi naman sila love team?
Ang sabi, dalawang movies pa lang daw ang ginawa nina Kathryn at Alden at ang isa nga, ang Hello, Love Again (HLA) na sa November 13, 2024 pa ang showing.
Bakit daw hindi sa DonBelle love team nina Donny Pangilinan at Belle Mariano o kaya’y sa KimPau love team nina Kim Chiu at Paulo Avelino ibinigay ang award?
Ang pamunuan ng Gawad Dangal lang ang makakasagot sa tanong na ito.
Depensa pa ng mga fans nina Alden at Kathryn, ‘wag daw sa dalawa sila magalit kundi sa nagbigay ng award.
Dahil din sa award na ito, naba-bash na naman si Alden at binuhay ang akusasyon na bubuhatin lang siya ni Kathryn, na sobrang unfair sa aktor.
Well, sikat, magaling at maraming supporters si Alden na sumusuporta sa bawat project niya.
Speaking of KathDen, sa July 25 na raw magsisimula ang shooting ni Alden ng HLA sa Canada at hanggang August 23 to 24 ang shooting niya. Wala siya sa bansa sa premiere ng Pulang Araw, kaya nauuna nang mag-promote.
Mauuna yatang mag-shooting sa Canada si Kathryn dahil kung natatandaan, sa ending ng Hello, Love, Goodbye, lumipad siya pa-Canada at susundan lang ni Ethan (Alden) si Joy (Kathryn).
MAY umaway na naman kay Barbie Forteza at sa Instagram (IG) account pa niya.
Ipinost ni Barbie ang official poster ng movie nila ni David Licauco na That Kind of Love (TKOL) at may paalala ito na sa July 10, 2024 na ang simula ng showing nito.
Majority sa mga comments, masaya na ipapalabas na ang nasabing pelikula ng Pocket Media Films at Happy Infinite Productions, pero may isa lang naligaw.
Well, ang dami nang comments na panonoorin nila ang pelikula ni Director Catherine Camarillo. Sa poster pa lang daw, kinilig na sila, at lalo pa silang kinilig nang mapanood ang videos at reels ng teaser sa mediacon.
Kaso nga, may kontrabidang nag-comment na flop daw ang movie dahil panay ang post ni Barbie ng tungkol sa kanyang love life sa halip na i-promote ang movie nila ni David.
Ano'ng klaseng promote pa kaya ang gusto ng kontrabidang ‘yun, eh, sunud-sunod ang pagpo-promote niya ng movie at palitan lang ng pagpo-promote niya ng Pulang Araw (PA)?
Kung July 10 ang showing ng TKOL, July 26 naman ang streaming ng PA sa Netflix at July 29, ang premiere sa GMA-7.
Ang tinukoy siguro ng basher ay ang monthsary greetings nina Barbie at Jak Roberto na nagpahayag kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.
Alam naman na ng marami na may boyfriend na si Barbie bago pa nagka-BarDa (Barbie at David).
Saka, inamin na rin ni David na hindi siya single, may girlfriend siya na dahil non-showbiz, hindi lang naka-highlight. Sa halip na magmaasim, sana tumulong na lang ang basher na i-promote ang TKOL.
Nanawagan na sina Barbie Forteza at David Licauco na suportahan ang movie nila to again bring back to the cinemas the moviegoers. After MMFF, tila tinamad na naman ang mga tao na manood sa sinehan. Hopefully, suportahan ang TKOL at ang BarDa love team.
Nasa Paris na rin para rumampa…
PIA, PATI RAW POST NI HEART, GINAGAYA
Nasa Paris na rin pala si Pia Wurtzbach para sa Paris Fashion Week, kaya mag-expect tayo ng bardagulan ng mga supporters nila ni Heart Evangelista na nauna nang dumating at umawra sa Paris.
In fact, nagsimula na ang bardagulan ng mga fans sa post pa lang ni Pia na “She’s back” at may agad nag-comment na ginaya nito ang “I’m back” post ni Heart.
May pumuna naman sa black dress na suot ni Pia, nakakaumay daw dahil laging black ang suot nito.
Nakakatuwa ang sagutan ng mga fans. Pati raw pala word na “I’m back,” si Heart lang ba ang puwedeng gumamit? Pati caption, pinag-aawayan, and in fairness, ang sayang basahin.
Aminin, marami ang naghihintay na makunan ng picture ang dalawa na magkasama o magkatabi sa mga fashion shows. Nangyari na ito once, pero nagdedmahan sila, parang walang nakita kahit isang tao lang ang nasa pagitan nila.
Sana, may photo na nag-uusap sina Heart at Pia para mawala na ang isyu na may rivalry sa kanilang dalawa.
NAKIPAG-PARTNER ang GMA Kapuso Foundation (GMAKF) sa Department of Interior and Local Government (DILG) para mas mabilis ang implementation ng relief operations ng GMAKF sa mga disaster-stricken areas.
Nagkapirmahan ito ng partnership through a Memorandum of Agreement (MO) noong June 19.
Tutulong ang units under DILG para sa mabilis na mobilisasyon ng tulong, gaya ng PNP, BFP at local barangay units. Kaya makakaasa ang mga nangangailangan ng tulong na this time, mabilis na silang matutulungan ng GMA Kapuso Foundation.
Comments