top of page
Search
BULGAR

Donaire, nagka-COVID-19, out na sa World title fight

ni Gerard Peter - @Sports | December 11, 2020




Tila ang mga orihinal na maglalaban para sa World title fight ang mismong nabura sa listahan ng mga maglalaban para sa isang main event sa Disyembre 19 sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut sa Estados Unidos – matapos tuluyan nang tinanggal sa listahan si dating five-division World champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire nang magpositibo ito sa mapaminsalang novel coronavirus disease (Covid-19).


Iniatras na sa kanyang darating na laban ang 38-anyos na Talibon, Bohol-native laban kay dating bantamweight titlist Emmanuel “El Matador” Rodriguez para sa bakanteng World Boxing Council (WBC) bantamweight title. Ang tunay na may hawak ng titulo na si undefeated Nordine Oubaali (17-0, 12KOs) ng France ay hinubaran ng titulo matapos mabigong maidepensa ito laban kay Donaire (40-6, 26KOs) kasunod ng pagkakaroon din ng coronavirus noong isang buwan.


May posibilidad na itapat ang dating 2010 Youth Olympic gold medalists na si Rodriguez (19-1, 12KOs) sa ibang laban, kung saan isa pang Filipino sa katauhan ni Reymart Gaballo (23-0, 20KOs), na may nakatakdang laban kay Jose Velasquez (28-6-2, 19KOs) ng Chile ang nakatakdang sumalang sa undercard match para sa Showtime triple header event, ang may tsang umakyat sa main event fight.


Inihayag ng boxingscene.com na wala pang kalinawan kung papayagan ng WBC na maglaban para sa bakanteng titulo sina Rodriguez at Gaballo. Kasalukuyang nasa 26th ranked ang 24-anyos mula Polomolok, South Cotabato ang dating WBA interim bantamweight titlist. Ayon sa listahan ng WBC ratings, hindi ‘eligible’ si Gaballo na lumaban sa no. 4 ranked na si Rodriguez.


Naghahanda sana ng maige si Donaire sa pagiging mandatory challenger para sa titulo ni Oubaali na 118-pounds ng tamaan ito ng Covid-19, hanggang sa palitan ng 28-anyos na Puerto Rican. Inihayag ng WBC na “champion in recess” si Oubaali sa oras na tanggalin siya sa laban kay Donaire, na may indikasyon na maaari itong pumili kung idedepensa niya ito sa Pebrero sa magwawagi sa Donaire-Rodriguez. Sakaling talunin ni Oubaali ang isang optional na kalaban sa Pebrero na deadline, kakalabanin niya ang mananalo sa Donaire-Rodriguez bout upang matupad niya ang tungkulin na mandatory fight.


Nabago rin ang undercard match sa nakatakdang Dec.19 fight card ng palitan ang kalaban ng welterweight Philadelphia native na si Jaron Ennis na si Thomas Dulorme ng America kasunod ng pagpopositibo rin nito sa coronavirus. Pinalitan ito ni Chric Van Heerden ng South Africa para sa 10-round bout.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page