top of page
Search
  • BULGAR

Dominic, tinawag na delulu at toxic ang mga nag-iisip na magdyowa sila ni Kathryn

ni Angela Fernando @Showbiz | September 13, 2024



Sports News

Hindi naiwasan ng aktor na si Dominic Roque na patutsadahan ang mga ‘delusional’ fans niya na binibigyan ng malisya ang pagiging malapit niya sa award-winning actress na si Kathryn Bernardo.


Komento kasi ng isang user sa Instagram (IG) ni Dominic, wala na raw laya ngayon ang aktor na i-post ang malapit na kaibigan niya nang hindi binibigyang-malisya ng madlang pipol.


"Gone are the days when Dom could freely and randomly post ng solo pictures ni Kath sa feed n'ya without these crazy people thinking any other things about it [sad emoji]," saad ng isang IG user. “Kasi iniisipan nila ng kung ano ano.. mga delulu.


Mga toxic sa soc med. [laughing emoji],” sagot naman ni Dominic. Umani naman ng puna at suporta ang hirit na ito ni Dominic. Sey nga ng ibang tagasuporta nito, mabuti raw at game ang aktor na linawing hindi dapat lagyan ng meaning ang mga posts niya kasama si Kathryn dahil matagal na talagang magkaibigan ang dalawa.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page