ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 10, 2024
Sentimental na tao pala talaga si Dominic Roque dahil would you believe, nakatago pa ang mga love letters na ipinadala sa kanya ng mga ex-girlfriends at crushes niya?
Ipinost ng dating aktor sa kanyang Instagram (IG) Story ang larawan ng mga love letters na natanggap niya noon na nakita raw niya habang naglilipat siya ng mga gamit.
“Hilig kong magsulat ng letters/love letters before for my loved ones/past GFs. I’ve received a lot of letters too, ‘yung iba, naitabi ko, ‘yung iba, nawala na...
“Nu’ng nag-aayos ako ng mga gamit nu’ng naglilipat ako, nakita ko ‘tong mga ‘to, nakakatuwa ring balikan ‘yung mga nakaraan,” ang caption ni Dom.
May ipinost ding isang love letter ang ex-fiancé ni Bea Alonzo na mula raw sa crush niya noong high school siya.
“2003 first year high school. Sulat ni crush nu’ng high school,” caption ni Dominic.
Anyway, matatandaang kamakailan lang ay naglipat ng bahay ang dating aktor at ibinahagi pa niya ang larawan ng bago niyang lugar sa kanyang mga IG followers.
Wala nang galit kay Kean Cipriano ang tatlong dating kagrupo niya sa Callalily na sina Lem Belaro (drummer-songwriter), Alden Acosta (lead guitarist), at Aaron Ricafrente (bassist) sa ginawa nitong pag-alis sa kanilang banda noong taong 2022.
Matatandaang si Kean ang frontrunner noon ng bandang Callalily, pero matapos ang 17 taon ng kanilang pagsasama, umalis ito sa grupo para mag-solo.
Walang choice sina Lem, Alden at Aaron kundi ang magpatuloy at bumangon nang wala na si Kean. Nagpatuloy pa rin sila sa banda at pinalitan ang pangalan ng Callalily ng Lily. Nagdagdag na rin sila ng tatlong bagong miyembro na sina Nathan Reyes (rhythm guitarist), Ezra Decimal (keyboardist), at Joshua Bulot (vocalist).
Sa mediacon ng Lily na ginanap noong nakaraang Linggo, hindi maiiwasang maitanong sa kanila ang ginawa ni Kean.
Ayon sa tatlong original members, wala na raw silang galit o tampo. In fact, ready daw sila kung sakaling magkita silang muli ng dating kagrupo.
“Wala na sigurong tampo after ilang taon nang nangyari. We understand naman lahat ng sitwasyon, eh. So, nandu’n na kami sa point ng buhay na ipagpatuloy na lang at maging masaya,” sey ni Aaron.
Dugtong naman ni Lem, “Saka honestly, mas okey din kami ngayon. Ang ganda ng nangyari, with the help of our management team din. Ang ganda na may mga batang members.”
When asked kung may communication ba sila ngayon with Kean, sey ni Lem, “Hindi pa kami nagkikita, eh. Actually, gusto ko nga, para malaman namin kung sino ang unang papansin. Hindi pa nagtatagpo ang landas namin, pero sa ‘kin, okey lang naman.”
Sey ni Aaron, “Given the chance na magkita kami, hayaan na natin ang destiny.”
Aminado naman ang bagong vocalist na si Joshua na may pressure rin sa kanya na pinalitan niya si Kean, lalo na’t madalas silang ipinagkukumpara.
“Isipin mo, si Kean, maangas, naka-shades, tapos ako, naka-tank top. Maraming nag-bash sa ‘kin na hindi raw ako rakista. Pero sa totoo lang, ‘di naman talaga ako rakista. And I’m not Kean Cipriano. I’m Joshua Bulot. And this is not Callalily, this is Lily.
“So, gusto kong iparating sa mga tao na wala kayong dapat ikumpara, kasi this is a new band and I’m not Kean. I’m not the shadow of Kean,” paglilinaw ni Joshua.
Pero kahit may mga bashers, aniya, sobrang grateful siya na kasama siya sa banda at naging maganda ang chemistry nilang anim.
“Ang bilis din ng nangyari sa ‘min, ang daming kumukuha sa ‘min, ang daming nag-embrace sa ‘min. Marami ring bashers pero totoo ‘yan, naka-help din sa akin and looking forward ako sa marami pang puwede naming gawin,” sey ni Joshua.
Sa ngayon, may bagong lalabas na single ang Lily this coming October titled Higa. Plano rin daw nilang maglabas ng bagong album at may naka-line-up ding Europe tour next year.
Inanunsiyo rin nila na sila ngayon ay hinahawakan na ng EMF Entertainment.
Comments