top of page
Search
BULGAR

Dolphins, killer whales pumapalaot sa Bohol waters

ni Lolet Abania | July 14, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Pumapalaot ang maraming dolphins at killer whales sa katubigan ng Garcia Hernandez Bohol province kasabay ng pagbubukas ng local tourist activities matapos na ipatupad ang modified general community quarantine protocols.


Nakuhanan ng video ng turistang si John Brian Galendez ang paglangoy ng mga dolphins at orcas na hindi karaniwang nakikita sa Bohol.


“Sobrang saya po. ‘Di ko po ine-expect na ganoon po makikita naming kasi ano po, ‘yong mga cousins ko po, naliligo lang kami sa baybayin. Tapos hindi nmain alam na makapunta kami doon sa aming paroroonan,” sabi ni Galendez.


Ayon sa mga residente, una silang nakakita ng marine mammals noong June 29. Ilang dekada na mula nang huli silang makakita ng orcas sa lugar.


Isang opisyal mula sa Department of Environment and Natural Resources ang nagsabi na may tatlong rason na nakakakita ng dolphins at orcas sa Bohol.


Ayon kay Environment undersecretary Benny Antiporda, isang dahilan ng papunta ng marine mammals sa Bohol ay sanhi ng pagkawala o maaaring sa climate change. “Change noong lamig or init noong tubig ‘no sinusundan din ng mga isda ‘yan na kung saan sila magiging comfortable, doon sila pumupunta,” sabi ni Antiporda.


Maaaring ang mammals ay naghahanap ng pagkain sa lugar.


“Positive na nakikita natin dito becuase of ECQ, dumami ‘yong isda natin dito. Pinagbawal din ‘yong mga mamamalakaya, yung mga mangingisda natin kung kaya’t nagkaroon ng chance mag-produce ang mga isda at dumami sila… maraming breeding ground dito ‘yong ating mga isda na nakikita naman din natin patungo ngayon ‘yong malalaking isda dahil naghahanap ng pagkain,” sabi pa ni Antiporda.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page