ni Lolet Abania | February 26, 2022
Ipagpapatuloy pa rin ng bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Secretary Jim Sampulna ang nasimulang Manila Bay dolomite beach project sa ilalim ng kanyang termino.
Sa isang statement na inilabas ngayong Sabado, sinabi ni Sampulna na ito ay isang commitment ng ahensiya kay Pangulong Rodrigo Duterte.
“We can now see the beauty of Manila Bay. Maybe only around 500-600 meters of the Manila Bay is yet to be laid down with dolomite sand. I intend to continue that project because that is our commitment to our dear President,” ani Sampulna.
Matatandaang ipinahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) na ipagpapatuloy pa rin ng gobyerno ang pagsasaayos ng dolomite beach, sa kabila ng mga isyu sa environment at concerns ng mga health experts hinggil sa kaligtasan ng mga mamamayan.
Una nang nagbabala ang Department of Health (DOH) na ang crushed o dinurog na dolomite ay maaaring maging dahilan ng mga respiratory problems, lalo na kapag ito ay nasinghot. Binuksan ang nasabing beach simula noong Disyembre, kung saan ipinatutupad ang mga protocols sa lugar dahil na rin sa COVID-19 pandemic.
Si Sampulna ang pumalit kay dating DENR Secretary Roy Cimatu na nag-resign noong nakaraang linggo dahil sa health reasons.
Ayon pa kay Sampulna, magpapatuloy din ang rehabilitation projects sa Boracay beach habang tuloy ang suporta niya sa pagbabawal sa mga single-use plastics.
“We need some legislation for that (ban on single-use plastic). Although there is no legislation on that yet, we are already advocating for it,” sabi ni Sampulna.
Ipinagtanggol din ni Sampulna ang desisyon na i-lift ang 4-year ban na itinakda ng administrasyon hinggil sa open-pit mining na aniya pa, may ipinatutupad na measures na naaayon sa batas para ito ay i-regulate.
Hinimok naman ng opisyal ang publiko na huwag iboto ang mga kandidato na aniya, “destroy the environment.” “They should be environment-friendly,” saad ni Sampulna.
Comments