ni Lolet Abania | July 22, 2021
Nagmukhang basurahan ang kontrobersiyal na white sand beach ng Manila Bay matapos matambak ang mga basura at water hyacinths na inanod mula sa dagat dahil sa matinding buhos ng ulan na dulot ng mas lumakas na Southwest Monsoon ngayong Huwebes nang umaga.
Ayon sa mga residente, posibleng ang mga basura ay mula sa Pasig River at mga probinsiyang malapit sa Manila Bay.
Samantala, ang mga marshals ay nagtungo na sa lugar para linisin ang mga nagkalat na basura at water hyacinths na inanod papunta sa pampang ng white sand ng Manila Bay.
Matatandaang tinambakan ang 500-metro kahabaan ng coastline malapit sa US Embassy sa Manila ng puting buhangin na gawa mula sa tone-toneladang crushed dolomite boulders na nanggaling sa Visayas na tinatawag na ngayong Manila Bay ‘dolomite’ beach.
Dahil dito, umani ng mga kritisismo ang paggamit ng artificial sand mula sa mga environmental groups na nagsasabing nakatuon lamang sa pagpapaganda ng Manila Baby at hindi sa rehabilitasyon.
Comments