ni Jasmin Joy Evangelista | October 16, 2021
Muling binuksan sa publiko ang Manila Baywalk Dolomite Beach ngayong Sabado, Oktubre 16, kasabay ng pagpapatupad ng Alert Level 3 COVID-19 quarantine restrictions sa Metro Manila.
Mayroong mga pulis sa paligid ng man-made beach upang siguruhing nasusunod ang minimum health protocols.
Kung noon ay hanggang limang minuto lamang puwedeng mag-stay ang mga bumibista, ngayon ay puwede kahit gaano katagal pero limitado lamang sa 300-500 ang maaaring pumasok.
Hindi kinakailangan na bakunado para makapasok dito.
Gayunman, ang mga bibisita ay kailangang magsuot ng face mask at face shield.
Hindi pinapayagan ang pagpapasok ng pagkain at inumin.
Bukas ang Dolomite beach mula 8 a.m. hanggang 11 a.m. at sa hapon hanggang 6 p.m
Kommentare