top of page
Search
BULGAR

Dolomite beach reopening, mahigpit na health protocols, ipatutupad — DENR

ni Lolet Abania | March 18, 2022



Mahigpit na ipapatupad ang minimum public health standards kapag muling binuksan ang Manila Dolomite Beach sa publiko, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).


Sa Laging Handa press briefing ngayong Biyernes, sinabi ni DENR officer-in-charge Jim Sampulna na susunod ang ahensiya sa mga guidelines na inisyu ng pandemic task force ng bansa para tiyakin na ipinatutupad ang public health safety sa man-made beach.


Kabilang dito ang pagsusuot ng face masks, social distancing, at paglimita sa mga papayagang bumisita sa partikular na oras.


“We refer to the IATF guidelines. Social distancing, maglalagay ng (wearing of) face mask,” sabi ni Sampulna.


“’Wag natin masyadong punuin ‘yun. Kasi minsan na-compromise ang social distancing ‘pag hindi natin na-control ang mga pumapasok. Tingnan natin ang capacity ng area na hindi naman nagkukumpulan ang mga tao,” saad ng opisyal.


Una nang iniutos ng DENR na isara ang Dolomite beach para magbigay-daan sa rehabilitasyon nito. Nakatakda namang muli itong buksan matapos ang Holy Week.


Personal na ring binisita ni Sampulna ngayong umaga ang lugar para i-check ang ginagawang rehabilitasyon nito.


Nais naman ng DENR na gawin ang white sand beach na “swimmable” bago magtapos ang Duterte administration, kung saan isang scenario na posible lamang kung ang kanilang water quality standard ay umabot sa 100 most probable number (mpn) kada 100 milliliters (mL).


Sa latest data mula sa Manila Bay Coordinating Office (MBCO) na ipinakita, ang coliform level sa Baywalk area ay kapansin-pansing nabawasan mula sa average ng 21,100 mpn kada 100 ml sa ikatlong quarter ng 2021 mula 5.75 million mpn kada 100 mL noong 2019.


Ayon kay Sampulna, ang DENR ay “malapit” na sa target dahil aniya, sa patuloy na rehabilitation efforts na isinasagawa kabilang na ang inspeksyon sa kalapit na mga establisimyento para alamin kung sumusunod ang mga ito sa water waste management compliance.


“Ang ating mpn from billions ay malapit-lapit na tayo sa target na pamantayan. Itong 100 (mpn),” ani Sampulna.


Aniya pa, target mh DENR na tapusin ang expansion ng man-made beach sa Abril.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page