top of page
Search
BULGAR

DOLE Secretary Bello, positibo sa COVID-19


ni Lolet Abania | August 17, 2021



Nagpositibo si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa test sa COVID-19.


Sa isang statement ng DOLE, kahit na tinamaan ng sakit ang 77-anyos na opisyal, “He is asymptomatic and remains on top of his health.”


Si Bello na fully vaccinated na ay kasalukuyang sumasailalim sa self-quarantine sa kanyang hometown sa Iligan, kung saan siya nai-test nitong weekend.


“Even while in isolation, the Secretary continues to discharge his functions,” pahayag ng DOLE.


“The Secretary wishes to thank the public for their prayers, and expresses hopes to resume leading DOLE officials in the distribution of assistance funds under its Serbisyong TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) as soon as his quarantine period is over,” ayon pa sa ahensiya.


Ang DOLE chief ay tumatanggap ng mga bisita sa kanyang opisina habang madalas na bumibiyahe sa buong bansa upang pangunahan ang pamamahagi ng assistance para sa mga displaced at disadvantaged workers.


Ang DOLE ay mayroong assistance program para sa mga informal workers at nagbibigay ng cash aid sa mga formal workers na apektado ng pandemya ng COVID-19. Maaari ring mag-avail ng cash assistance ang mga overseas Filipino workers (OFWs) mula sa ahensiya.


Isa si Bello sa maraming public officials, kabilang din ang mga miyembro ng gabinete na tinamaan ng COVID-19.

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page