top of page
Search
BULGAR

Doktor, nagregalo ng cash cake sa amang magsasaka

ni Lolet Abania | October 7, 2020



Isang espesyal na regalo ang ibinigay ng doktor sa kanyang amang magsasaka na magdiriwang ng ika-63rd kaarawan.

Sa video na nai-share ng isa nang doktor na si Dr. Emil Umipig, hinihila ng kanyang ama ang magkakarugtong na perang papel mula sa birthday cake habang masayang-masaya ring tinitingnan ang bawat isa nito.


Ayon kay Umipig, matagal na niyang pangarap na mabigyang kasiyahan ang mga magulang dahil sa buong buhay ng mga ito ay puno ng pagsisikap para makatapos siya ng pag-aaral sa Medisina.


"For 30 years, dependent ako sa kanila financially. Kaya ngayon na doctor na ako at may trabaho na, ako naman ang magpapasaya sa kanila," sabi ni Umipig. "Hindi kami mayaman.


Si Mama, retired public school teacher. Si Papa, farmer. Kaya ‘yung ganitong bagay, masayang-masaya na kami. Ngayon lang ako nakakabawi sa kanila," dagdag ni Umipig.

0 comments

Commenti


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page