top of page
Search
BULGAR

Doktor ang bagong dyowa kapalit ni VG Marc… KRIS, BALIK-'PINAS SA SEPTEMBER

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 1, 2024


Showbiz news

Halos limang buwan nang hiwalay sina Kris Aquino at Batangas Vice-Governor Marc Leviste at kinumpirma ito mismo ng Queen of Social Media sa kumpare niyang si Ogie Diaz sa vlog ng huli.


Kahapon (Linggo) nang madaling araw in-upload ni Ogie ang panayam niya kay Kris sa kanyang YouTube channel at nabanggit na Nobyembre pa lang nu’ng 2023 ay nagkakalabuan na sina Kris at Marc at kahit na pinilit naman nilang ayusin ay hindi na nag-work.


Isa rin sa mga dahilan kung bakit nagtapos na ang on and off relationship nina Kris at VG Marc ay hindi gusto ni Bimb ang ginoong Batangueño.


Sey ni Kris, “Hindi sila nagkasundo nu’ng ex (boyfriend). Hindi niya (Bimb) gusto, eh.”


Nagulat ang bunsong anak sa pagtatapat ng mama niya, “Are you saying that now Mama? Okay Mom, I’m trying to be polite.”


Dagdag pa ni Kris, “Yes, I’m telling the truth (hindi okay sina Bimb at VG Marc). It matters to me because he (Bimb) knows me best. S’ya at si Kuya (Josh), ‘yung opinion nila, it really matters.


“Most people would say na dapat ‘yung mga anak ang sumunod sa magulang, pero sa ‘kin kasi, they’re always be there and alam ko na ang pagmamahal nila sa akin is pure."


Pagtatapat ni Bimb, “Mama, I don’t think you really love him. I think you’re just sad at tumatak ‘yun sa utak ko, and yeah, it’s true.”


Tinanong ni Ogie si Bimb kung may iba nang nagpapasaya sa mama niya kaya hiwalay na ito sa bise-gobernador ng Batangas.


Masayang sabi ng binatilyo, “That’s up to mom to say."

Nag-voice over si Kris ng yes, kaya tanong ni Bimby, "Puwede? Yes meron."


Dagdag pa ng bunso ni Kris, “Yes, he’s a very good guy, (and) non-showbiz, medyo makulit lang but very good guy. Hahaha!”


Naloka si Kris sa pambubuking ng anak, “Oh, my God! I will join! He’s not makulit, Bimb.


Ako na ang sasagot, Ogs, to save my son.


“Yes, definitely, walang balikang mangyayari, February, March, April May, June pa, July na tayo, so, magpa-five months na ‘yan. Ang tagal na nu’n, Ogie.


“At para malaman ng tao, nagkalabuan na mula pa nu’ng November, sinubukang ayusin pero may mga nalaman ako na hindi ko gusto. Pero ayaw ko nang magsabi ng more than that despite of the reason why it did not work out. Because I’m at the stage in my life na mas gusto ko ng tahimik and the last post I had was back in May.


“I’d like to say na we’re still friendly but at a distance na. I kept quiet because mas matindi ‘yung treatment na pinagdaanan ko recently and ayaw kong ibalita sa mga tao na hirap ako, pagod ako, why should I burden people when everybody has their own burden na kailangan lang malagpasan?”


Sagot naman ni Kris sa tanong kung paano kapag bumalik si VG Marc, “Kung sumusubok man, sarado na ‘yung pinto. Gusto kong mag-move on and I think I have, it’s been 4 months or more by the time this airs. I wish him the best and I’m sure he wishes me well and I never confirmed publicly, sa kanya (Marc) naman nanggaling lahat.”


Isang doctor na nandito sa Pilipinas ang nagpapasaya ngayon kay Kris.

Pahayag niya, “Hindi naman love life. It just flowed ang nangyari and he’s a doctor and I think that’s part of the reason why it was easy, kasi alam niya kung ano ang pinagdaraanan ko and he’s part of the reason why I’m confident, na puwede akong umuwi kasi alam ko na there’s someone who will help in taking care of me. So obviously by saying that he's a doctor based in the Philippines.” 


Kinlaro ni Kris na hindi nagkasabay si VG Marc at ang mystery doctor na nasa ‘Pinas.


“Walang overlap at hindi s’ya ang dahilan kung bakit hindi kami naging okay,” masayang sabi ng mama ni Bimb.


At para sa mga supporters ni Kris ay nabanggit nito na bago magtapos ang Setyembre ngayong 2024 ay nandito na siya sa ‘Pinas.


“Hopefully sa last quarter ng taon (2024) bago mag-Pasko, I’ll be back in the Philippines,” saad ni Kris.


Ang paliwanag naman ni Kris kung paano ang gamutan niya, “Puwede naman daw umorder sa ibang bansa. There are three hospitals in the Philippines na puwedeng mag-import nu’ng gamot na the requirement is, kailangan ang magbibigay sa ‘kin ay rheumatoid specialist na (specialization) ay kagaya ng mga sakit ko na kasi ‘pag autoimmune, alam na ng lahat na it can never be cured pero puwede kang mag-remission. In other words, puwedeng mabawasan ‘yung mga symptoms pero forever na nandu’n.


“So, it’s either rheumatoid specialist at anesthesiologist or a surgeon na magbibigay sa 'yo ng gamot. So, mahaba pa ang proseso bago ako gumaling, so kung uuwi ako, it could been another one year and a half to two years na ‘yung gamot na kailangan, patuloy na I’m taking it,” saad ng mama ni Bimb.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page