ni Jasmin Joy Evangelista | November 20, 2021
Pinaaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga pribadong kompanya na hindi pa puwedeng magbigay ng booster shots ang sa kanilang mga empleyado.
Ito ay kasabay ng pag-arangkada ng COVID-19 booster shots sa A1 priority group o mga health frontliner.
"Hindi po kayo pinapayagan para ibigay 'yan as boosters to your employees, not unless they are part of senior citizens or are part of list of immunocompromised states na nakalagay sa EUA," ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Una nang sinabi ng mga awtoridad na posibleng sa 2022 pa ang booster shots ng general public.
Ito ay dahil prayoridad pa ang pamimigay ng booster shot sa mga health worker, kasunod ang mga senior citizen at may comorbidity o may sakit.
Inaasahan ding magsisimula sa susunod na linggo ang pagbibigay ng booster shots sa mga senior citizen at immunocompromised, dahil sa ngayon ay ginagawa pa ang panuntunan hinggil dito.
Comments