ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 8, 2023
TAMA SI SEN. WIN GATCHALIAN, HINDI DAPAT KAY VP SARA ISISI ANG PAGLAGAPAK NG PHILIPPINE EDUCATION SA OECD -- Para kay Sen. Win Gatchalian ay hindi daw dapat sisihin si Vice Pres., Dept. of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio sa paglagapak ng Philippine education sa isinagawang assessment ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) sa mga batang mag-aaral sa buong mundo na lumahok sa Program for International Students Assessment (PISA), kundi ang mga nagdaan o mga dating DepEd secretary.
May punto si Sen. Gatchalian sa sinabi niyang ito, kasi last year lang nanungkulang DepEd sec. si VP Sara, kaya’t hindi talaga dapat isisi sa bise presidente ang paglagapak ng mga batang estudyante sa assessment ng OECD, period!
◘◘◘
NGAYONG NAKAPANGUTANG NA ANG MARCOS ADMIN NG $450M BILANG DAGDAG-PONDO SA UNIVERSAL HEALTH CARE, SANA MATUPAD ANG IBINIDA NG GOBYERNO NOON NA SA UHC LIBRE NA MAGPAGAMOT -- Nangutang ang Marcos administration ng $450 million sa Asian Development Bank (ADB) bilang dagdag-pondo raw sa Universal Health Care (UHC) na pinamamahalaan ng PhilHealth.
Ngayong nakapangutang na, sana naman matupad na ang sinabi ng ibinida noon ng gobyerno na kapag ganap na raw itong batas ay lahat daw ng Pinoy na magkakasakit ay libre nang magpagamot sa mga pribado at pampublikong ospital.
Sa sistema kasi ngayon ng mga ospital, kahit noong year 2019 pa naisabatas ang UHC ay pinagbabayad pa rin ang mga pasyente kapag nagpapagamot sila sa mga private at public hospitals, boom!
◘◘◘
TILA MAY MGA GUSTO NANG KUMITA SA DOH SA PAGBILI NG FACE MASK AT FACE SHIELD --Inanunsyo ng Dept. of Health (DOH) na may naitala na silang apat kataong nagpositibo sa kinatatakutang virus na “walking pneumonia”.
‘Ayan na, nananakot na ang DOH, may mga nagpaparamdam na sa kagawaran, na tila mga gustong kumita sa pagbili ng face mask at face shield, tsk!
◘◘◘
SANA LAGING MAKATOTOHANAN ANG REPORT NG PSA, AT HINDI NAMPI-FAKE NEWS -- Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay pumalo na sa higit 2.09 milyong Pinoy ang jobless sa ‘Pinas.
Sana, laging ganyan ang report ng PSA na makatotohanan, at hindi nampi-fake news tulad ng mga nakaraang ulat nila na kesyo lumago raw ang ekonomiya ng bansa, kahit na maraming jobless at naghihikahos, period!
Comments