ni Lolet Abania | December 15, 2022
Nagsumite na ang Department of Health (DOH) ngayong Huwebes ng mga dokumento ng kanilang COVID-19 vaccine procurement deals sa Commission on Audit (COA).
Personal na iprinisinta ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang mga dokumento sa COA sa kahilingan na rin ng Senate Blue Ribbon Committee, na una nang nagsiyasat hinggil sa non-disclosure agreements, kung saan pumipigil umano sa mga auditors para alamin ang vaccine procurement.
Ayon kay Vergeire, kabilang sa mga nai-submit na mga dokumento ay supply agreements na magpapagaan sa pag-audit ng multi-billion-peso loans para sa mga vaccines.
“Handa pong harapin ng Kagawaran ng Kalusugan ang anumang katanungan ukol sa ating vaccine procurement sapagkat kampante tayo na lahat ng mga prosesong isinagawa ng ating pamahalaaan sa pagbili ng mga bakuna upang maprotektahan ang ating mga kababayan ay nakaayon sa batas,” saad ni Vergeire sa isang statement.
Kamakailan, nabanggit ng COA na ang DOH ay nag-request ng isang special audit dahil ito ay ini-require ng World Bank at Asian Development Bank, kung saan nagpo-provide ng mga loans para sa pagkuha ng mga COVID-19 vaccines.
“The DOH is confident of the results that the special audit will yield,” ani Vergeire.
“The first time we procured these vaccines, confident tayo dahil alam natin we bought these vaccines to protect Filipino people,” pahayag ni Vergeire sa mga reporters.
Comments