ni Jasmin Joy Evangelista | March 2, 2022
Pinaalalahanan ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Martes ang mga kandidato at mga tagasuporta na huwag mag-aalis ng facemask sa mga kampanyahan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
“Gusto ko lang po ipaalala sa ating lahat na nandito pa rin po yung virus. Alam po natin yung mode of transmission ng virus, maari pong droplet infection, na kung saan maari kung kayo ay may sakit, maari po in a matter of this distance makapag-transmit kayo ng impeksyon,” ani Health undersecretary sa isang media forum.
“I just like to remind everybody, lahat po ng ating kababayan [all our fellow Filipinos], including our candidates, including these individuals who are going in these campaign sorties ,please always wear your mask. 'Yan po ang pinakaimportanteng niyong panangga kasama ang inyong bakuna para maproteksyunan ang inyong sarili at para maproteksyunan din po ang ating community,” dagdag niya.
Umapela rin ang health official sa mga local government units na patuloy na magpatupad ng health protocols sa mga poll precincts sa May 2022 elections.
“Magtulong-tulong po tayo para po wala tayong superspreader events and we can maintain and sustain this alert level na mababa at patuloy tayo sa ating new normal,” ani Vergeire.
留言