top of page
Search
BULGAR

DOH: MAT allowance ng 426K health workers, matatanggap na

ni Lolet Abania | December 10, 2021



Nasa tinatayang 426,000 health workers ang hindi pa nakatatanggap ng kanilang meals, accommodation and transportation (MAT) allowance sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa Department of Health (DOH).


Gayunman, ayon kay DOH Undersecretary Leopoldo Vega, ang MAT benefits para sa health workers ay popondohan na mula sa Office of the President ng P1.5 million contingency fund.


“Ito po hinahabol namin ngayon. Nakikipag-usap kami sa Office of the President tungkol sa P1.5 million contingent fund na hinihingi namin na ma-repurpose. Pumayag po si President [Rodrigo Duterte],” ani Vega sa Laging Handa briefing ngayong Biyernes.


“Anytime next week, ipapamahagi na namin ang makukuha namin from the Office of the President para sa 426,000 health workers na hindi pa nakakakuha ng MAT allowance,” sabi pa ni Vega.


Matatandaang noong Nobyembre 26, sinabi ni St. Luke’s Medical Center Employees Union Benjie Foscablo sa mga senador sa budget hearing para sa panukalang 2022 budget, na hindi pa nila natanggap ang MAT benefits na inilaan ng Bayanihan laws sa loob ng huling limang buwan.


Binanggit naman ni Melbert Reyes ng Philippine Nurses Association sa pareho ring hearing na ilan sa mga nurses ay nakatanggap lamang ng P900 benepisyo, simula pa lang ng pandemya noong Marso 2020.


Sa isang statement na inisyu noong Nobyembre 28, ayon sa DOH ang mga health workers na hindi pa nakatatanggap ng kanilang benepisyo na nakalaan para sa kanila ay dapat na mag-file ng isang written complaint sa DOH-Complaints Handling Unit sa dohpau.chu@gmail.com, kasama ang pangalan ng partikular na health facility, ang insidente at supporting evidences para ang kanilang reklamo ay agad na matugunan ng ahensiya.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page