ni Jasmin Joy Evangelista | January 17, 2022
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang detection ng Omicron variant sa Ilocos Norte, ayon kay Governor Matthew Marcos Manotoc sa kanyang Facebook post nitong Linggo.
“The DOH just confirmed our longtime suspicions that the Omicron variant is present in Ilocos Norte,” ani Manotoc.
Sa nakalipas ng dalawang linggo, ang bilang ng kaso ng COVID-19 na naitala ng probinsiya ay umabot na sa 7,830 percent, mula sa 13 cases noong December 30, 2021, tumalon ito sa 1,031 cases nito lamang Sabado, January 15, batay sa datos ng provincial government.
Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang gobernadora hinggil dito.
Sinabi rin ni Manotoc na walang dahilan upang mag-panic at overreact dahil karamihan sa mga residente ng Ilocos Norte ay bakunado na.
“Omicron is milder, and we now know much more about the virus, especially the safety measures that work,” pahayag ng gobernador.
Aniya pa, hindi siya magpapatupad ng “wide-scale, hard lockdown like before.”
Ang Ilocos Norte ay nasa ilalim ng COVID-19 Alert Level 3 hanggang January 31.
“We will dance with, and live with, the virus and we look forward to it becoming an endemic as many scientists say. Life shall go on,” dagdag pa ni Manotoc.
Comentarios