top of page
Search
BULGAR

DOH Home Care Guide para sa batang may COVID-19

ni Jasmin Joy Evangelista | January 13, 2022



Maraming bata ang dinadapuan ng COVID-19 habang tumataas ang bilang ng kaso nito sa bansa.


Dahil dito, marami ring magulang ang hindi alam kung paano ang gagawin sa sandaling tamaan ng sakit ang kanilang anak.


Base sa Home Care Guide for Kids ng Department of Health, ang home care ay posibleng gawin sa mga batang may Covid pero walang lagnat.


Kabilang sa mga sintomas na dapat bantayan ng magulang ay ubo, sipon, pagtatae, sore throat, sakit ng ulo, pagkawala ng panlasa at pang-amoy, at kawalan ng ganang kumain.


Kailangan ding sigurihin na hindi dehydrated ang bata at kumakain ng healthy.


"Kung minsan, bumababa 'yong impeksyon sa baga, 'yong paghinga ng bata ay maalon, lalo sa mga sanggol, mas mataas sa 60 ang bilang ng paghinga tapos mabilis 'yon tapos 'pag two years old mga 40 ang bilang, mas mataas doon. Ito 'yong dapat na-che-check ng nanay," ani Benito Atienza, pangulo ng Philippine Medical Association.


Kapag ang bata ay hindi bumababa ang lagnat at hirap sa paghinga, kailangan na itong dalhin sa ospital.


Samantala, ang isolation ay maaaring matapos pagkalipas ng 10 araw, kung sa pampitong araw ay hindi na ito nakararanas ng COVID-19 symptoms.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page