DOH, hangad na maaayos na serbisyong pangkalusugan gamit ang UHC
- BULGAR
- Dec 29, 2023
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | December 29, 2023

Isinusulong ng Department of Health (DOH) na gawing mas accessible at maayos ang serbisyong pangkalusugan sa masang Pinoy sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) Law.
Naglabas ng pahayag nitong Huwebes ang Presidential Communications Office (PCO) at sinabing nakatuon si Health Secretary Teodoro Herbosa sa UHC Law sa kanyang unang 100 araw sa opisina.
Saad ni Herbosa, dapat ay ramdam ng bawat Pilipino ang UHC.
Matatandaang kinumpirma ni Herbosa na aprubado ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang pagbuo sa coordinating council para sa pagpapatupad ng UHC nu'ng Oktubre.
Tiniyak naman sa landmark law na lahat ng Pinoy ay may parehong access sa kalidad at abot-kayang mga kalakal at serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan nu'ng ipinasa ito ng taong 2019.
Sa ilalim ng nasabing batas, pasok ang lahat ng Pinoy sa National Health Insurance Program bilang may kapasidad na makapagbayad ng mga kalidad at mga 'di direktang contributor na suportado ng pamahalaan tulad ng mga senior citizens at mga nasa laylayan.
Comments