ni BRT | February 1, 2023
Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga bumibili ng ‘frozen eggs’ bilang alternatibo sa mahal na presyo ng sariwang itlog sa merkado. Ayon sa DOH, maaaring food poisoning ang kabagsakan dahil sa Salmonella at E. coli bacteria.
“Alam n’yo po, ang itlog kapag na-subject siya sa extremes of temperature, puwede po siyang magbreed ng organismo na maaaring makasama sa ating katawan,” babala ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire.
Sinasabing kinukuha sa inipong basag na itlog ang laman ng supot ng frozen eggs sa merkado. Mabili ito lalo na sa mga panaderya.
“Hindi po namin sinasabi na lahat ‘yan ay magkakaroon ng kontaminasyon, pero ‘yung probabilidad at saka ‘yung risk para kayo ay magkasakit dahil na-contaminate ‘yung itlog ough this freezing process, ay maaari pa hong maging harm kaysa maging good sa inyo,” dagdag pa ni Vergeire.
Comentários