ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | April 30, 2023
Sobrang nakakabahala ang balita ng UNICEF na nagsabing mayroong isang milyong bata na ‘at risk and unprotected’ dahil wala silang kahit isang bakuna.
Ayon sa tala ng UNICEF, pang-lima tayo sa may pinakamaraming ‘zero-dose’ children na mga bansa at pangalawa sa East Asia and the Pacific Region sa pinakamaraming bata na hindi pa nakakakuha ng routine vaccinations.
Maituturing na ‘zero-dose’ children ang mga bata na hindi pa nakakakuha ng unang dose ng trivalent diphtheria-tetanus-pertussis (DTP) vaccine.
☻☻☻
Ayaw na nating lumobo pa ang bilang ng zero-dose children.
Naiintindihan natin na malaki ang naging epekto ng pandemya sa ating routine vaccine services.
Pero hindi natin puwedeng idahilan ang pandemic fatigue dahil mayroon tayong malaking accountability sa mga bata.
Siguro, napapanahon na para i-improve ng Department of Health (DOH) ang kanilang ‘patak’ strategies at para masiguro na isang milyong bata ang mababakunahan sa loob ng dalawang taon.
☻☻☻
Para may katuwang ang DOH, kailangan ding paigtingin pa ng mga local government units ang kanilang information campaign para mapataas ang vaccine confidence ng ating mga kababayan.
Marami pa ring underserved communities, at napakaimportante ng parte rito ng ating mga barangay.
Kailangan nating kumilos at sa pagtaas muli ng bilang ng COVID positive cases sa bansa, talagang kailangang mag-step-up ng pamahalaan para gumanda ang ating immunization status.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comentários