ni Lolet Abania | January 25, 2022
Pitong subnational laboratories ang itatayo sa mga piling regional hospitals sa buong bansa bilang bahagi ng pagsisikap na mapahusay ang kapasidad ng bansa na maka-detect ng mga vaccine-preventable diseases, ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire.
Kabilang sa mga ospital na pagtatayuan ng mga laboratoryo ay ; Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital; Western Visayas Medical Center; Vicente Sotto Memorial Medical Center; Zamboanga Medical Center; Southern Philippines Medical Center; at Cotabato Medical Center.
“So ito po mga regional hospitals natin ito and we found it fit and appropriate na mag-umpisa tayo dito kasi meron na talaga silang proseso, sistema, at istruktura,” ani Vergeire sa isang media briefing ngayong Martes.
Ayon kay Vergeire, magbibigay din ang ahensiya ng karagdagang equipment at supplies.
“Nakapag-commit po at tutulungan tayo ng World Health Organization (WHO) para sa necessary equipments and supplies nitong pitong subnational labs,” sabi pa ni Vergeire, kung saan aniya, ang WHO ay magpo-provide naman ng P36 milyong halaga.
Gayundin, sinabi ng kalihim na makatutulong ito sa healthcare system ng bansa.
“Bagamat may pandemya, mabuti rin mabigyan natin ng pansin ang mga sakit kagaya ng measles, rubella, at iba pa,” saad ni Vergeire.
Comments