ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 17, 2020
Isinusulong ni Senator Manny Pacquiao na doblehin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang monthly pension ng mga senior citizens.
Aniya, "Paano naman makaka-support ang P500 na pension nila sa mga needs nila? Ang gusto ko nga sana, minimum, at least P1,000 para sa senior citizen dahil kawawa sila, eh."
Sang-ayon naman si Senator Imee Marcos sa nais ni Sen. Pacquiao.
Aniya, "Totoo, sobrang baba kasi. Ano naman ang magagawa mo sa P500 a month? Tapos ibibigay kada tatlong buwan, P1,500 din lang. Napakakaunti po.”
Sa ilalim ng Republic Act (RA) 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, ang mga may sakit at disability na walang pension mula sa ibang ahensiya ng gobyerno at wala ring permanenteng pagkakakitaan o souce ng financial assistance ay kuwalipikado upang makatanggap ng social pension mula sa DSWD sa pamamgitan ng Social Pension for Indigent Senior Citizens Program.
Komentar