ni Gerard Arce @Sports | March 6, 2024
Mga laro ngayong Sabado (SM Mall of Asia Arena)
10:00 am – UST vs Ateneo (men’s)
12:00 pm – Adamson vs FEU (men’s)
2:00 pm – UST vs Ateneo (women’s)
4:00 pm – Adamson vs FEU (women’s)
Madaling dinispatsa ng reigning at defending champions na De La Salle University Lady Spikers ang nangungulilang University of the East Lady Warriors sa pamamagitan ng straight set sa iskor na 25-21, 25-18, 25-10, kahapon, sa unang handog na laro ng 86th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Patuloy na nangibabaw sa iskoring si reigning Rookie MVP Angel Canino ng humambalos ito ng kabuuang 17 puntos mula sa 16 atake at isang block, kasama ang siyam na excellent digs at pitong excellent receptions upang dalhin sa kanilang ikalawang sunod na panalo at solong second place sa 4-1 kartada, habang bumagsak naman sa 1-4 marka ang Lady Warriors sa ika-pitong pwesto.
Nag-ambag rin para sa Lady Spikers sina Shevana Laput ng siyam na puntos mula sa pitong atake at tig-isang ace at block, kabilang ang apat na digs, Thea Gagate sa sariling siyam puntos mula sa limang blocks, tatlon atake at isang ace at Alleiah Malaluan sa pitong marka at limang digs. May kontribusyon rin si team captain at ace playmaker Julia Coronel ng 15 excellent set at tatlong puntos at double-double sa depensa libero Lyka De Leon sa tig-11 digs at receptions.
Madaling ipinadama ng Lady Spikers ang bangis ng kanilang mga atake sa first set mula sa pagbida sa opensa ng 5-foot-11 spiker na tubong Bacolod City ng tumudla ito ng 16 kills kasama ang trademark nitong depensa sa apat na blocks at isang ace.
Comments