top of page
Search
BULGAR

DLSU humirit ng Game 3, LATVIA champion sa WBPT

ni Anthony E. Servinio @Sports | December 4, 2023



Mga laro sa Miyerkules - Araneta

12 PM UST vs. NU (W)

4 PM DLSU vs. UP (M)


Inilabas ng De La Salle University Green Archers ang lahat na nalalabing pana upang sugpuin ang University of the Philippines, 82-60, sa Game 2 ng 86th UAAP Men's Basketball Finals kahapon sa Araneta Coliseum. Gaganapin ang winner-take-all Game 3 sa Miyerkules sa parehong palaruan.


Kabaligtaran ng kanilang unang tapatan noong Nob. 29 na nagtapos sa 97-67 pabor sa Fighting Maroons, naglabas ng nahigpit na depensa ang DLSU at nilimitahan ang UP sa tig-11 puntos sa huling tatlong quarter. Kumuha ang Green Archers ng hindi inaasahang lakas mula kay Francis Escandor na pumukol ng apat na tres para lumamang sa halftime, 44-38.

Hindi na pinaporma ang UP at walang nakapigil sa arangkada ng DLSU. Isang balanseng atake ang nagsigurado na may laro sa Miyerkules.

Samantala, ipinakita nina Tina Graudina at Anastasija Samoilova ng Latvia ang kanilang katatagan bilng magpartner ng 7 taon nang gapiin ang tambalan nina Daniela Alvarez Mendoza at Tania Moreno Matveeva ng Spain, 21-14, 21-18 upang tanghaling kampeon ng pinakabagong women's team ng Volleyball World Beach Pro Tour Challenge kahapon sa world-class Nuvali Sand Courts sa Sta. Rosa City.


We’re very happy that we’ve become even more solid as a pair, although we needed to make some adjustments in both sets,” ayon sa 6-foot na si Graudina, 25, na nagsimulang maglaro kasama si Samoilova noong 2016, at magwagi ng 2x sa European Championships 2019 sa Moscow at 2022 sa Munich.


Bilang ranked world No. 14, ang duo ang crowd favorite sa world class courts ng Nuvali kung saan si Graudina ang malakas ang hatak sa fans, naglaro sa semifinal at final na may benda sa kanang pilik-mata.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page