top of page
Search

DLSU at Canino babawi sa 87th UAAP Season

BULGAR

ni Gerard Arce @Sports News | Jan. 25, 2025



Photo: Canino / Volleyball - DLSU Sports - Flavius Dulce


Magiging sapat na nga ba ang nakuhang exposure at experience ng De La Salle University Lady Spikers upang tudlain ang ika-13 korona at makabawi sa huling karanasan noong nagdaang season, habang manunumbalik ang bangis sa taraflex court ni dating Rookie/MVP Angel Ann Canino sa 87th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament simula Pebrero 15.


Mula sa third place finish sa 86th season matapos patalsikin ng last season runner-ups na UST Golden Tigresses at muling buhayin ang rivalry laban sa reigning at defending titlist na NU Lady Bulldogs, tatangkain ng 5-foot-11 outside hitter na mabitbit muli sa mataas na puwesto ang green-and-white lady squad.


Bukod sa 21-anyos mula Bacolod City, na nasa kanyang ikatlong taon ng paglalaro para sa Lady Spikers, makakaasang makakakuha ito ng suporta sa ibang mga kakampi matapos maging pangunahing ace attacker sa nagdaang season – nananatiling sasabak para sa La Salle sina wing spiker Alleiah Malaluan, Jyne Soreno, libero Lyka De Leon, Katrina Del Castillo, middle blocker Amie Provido, playmaker Julyana Tolentino at opposite spiker Shevana Laput.


Limang manlalaro ang nalagas sa koponan mula kina pro-league top Draft pick Thea Gagate, ace playmaker at kapwa Alas Pilipinas player Julia Coronel, spiker Leila Cruz, Jenya Torres at Maiccah Larroza, habang inaabangan ang pagpasok ng mga bigating rookies mula kina Jillian Santos (outside hitter), Rianne Cortez (opposite spiker), Amor Guinto (outside hitter), Japanese trained Ella De Guzman (outside hitter), Shane Reterta (middle blocker/Open Hitter), Zach Maganto (outside spiker), Erika Pagal (middle blocker), Althea Cabradilla (outside spiker), Sandy Demain (outside spiker), Francesca Rodriguez (libero), Joe Anne Nochete (libero), Malia Jose (open spiker), Alyssa Macanta (libero), Samantha, Sagarbarria (outside spiker), Patricia Chan (middle blocker) at playmaker Maile Salang. (GA)



0 comments

Recent Posts

See All

Коментарі


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page