ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 25, 2025
Photo: Diwata Pares Overload Fanpage
Na-miss ng mga dumayo at nanood ng Panagbenga Festival Grand Parade sa Baguio ang mga celebrities na may karosa at nakikisaya sa taunang parada.
Absent sa grand parade sina Sen. Bong Revilla, Jr., Lito Lapid, Coco Martin, Niño Muhlach, atbp.. Ang dumating lang na mga celebrities at nakasama sa Panagbenga Grand Parade ay ang cast ng Home Along ‘Da Riles (HADR) na may sariling karosa at nakasakay sina Claudine Barretto, Nova Villa, Boy2 Quizon, Vandolph, atbp..
May sarili ring karosa ang Pares Overload na si Diwata upang ikampanya ang Vendors Partylist. Feel na feel niya na sikat pa siya, kahit marami ang nagsasabing ‘laos’ na siya at sawa na ang mga tao sa kanyang Pares Overload.
Dumating din sa parada si Lovi Poe na endorser ng isang beauty product.
Samantala, marami ang naghintay sa karosa ng Batang Quiapo (BQ) at nagbabakasakali na darating sila, kasama ang iba pang cast ng BQ sa pangunguna ni Coco Martin.
Samantala, kahit saang rally makarating ang grupo ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, lutang na lutang at pinapalakpakan sina Sen. Bong Revilla at Sen. Lito Lapid na itinuturing na tagapagtanggol ng mahihirap. At karamihan sa mga botante ngayon ay mga nabibilang sa sektor ng mga mahihirap, kaya patuloy silang naniniwala sa mga senatoriables na may malasakit sa mga ordinaryong mamamayan at sa mga senior citizens.
‘Di pa man nailalantad…
KRIS, MAY NATUKLASAN SA BF NA DOKTOR KAYA HIWALAY NA
Brokenhearted na naman si Kris Aquino. Kaya marami ang nagtatanong kung bakit pinutol na niya ang relasyon sa nobyong doctor na si Michael Padlan, isang trauma surgeon sa Makati Medical Hospital.
Hindi pa man daw naipapakilala nang lubos ni Kristeta sa publiko ang bago niyang nobyo ay split na sila.
Si Kris mismo ang nag-post na wala na siyang love life ngayon. Pero, hindi naman niya sinabi kung ano ang dahilan ng breakup.
Sa pagkakaalam ng marami, dating kasal na si Dr. Mike at may dalawa itong anak sa unang karelasyon. Dalawang kurso ang tinapos ni Dr. Padlan sa FEU, Medtech at Medicine, at nagpakadalubhasa rin ito sa Neurosurgery sa USA.
Maganda ang background ng pamilya ni Dr. Mike Padlan na tubong-Pangasinan. Isa ring doktor ang kanyang ama at maganda ang track record ni Dr. Mike bilang resident doctor ng Makati Med, kaya curious ang lahat na malaman kung anong bagay ang natuklasan at inayawan ni Kris sa kanya.
Sa health condition ngayon ni Kris, kailangan niya ng isang taong lubos na magmamahal sa kanya upang magsilbing inspirasyon at magbibigay sa kanya ng moral support.
Pero, may ilang netizens naman ang nagsasabing mas dapat siguro na magpahinga muna sa pag-ibig si Krissy, at mag-focus na lang sa kanyang pagpapalakas at pagpapagaling sa kanyang karamdaman.
Marami namang nagmamahal sa kanya na mga kaibigan na handang dumamay sa kanyang pinagdaraanan.
PAREHO palang yapper (madaldal) sina Kyline Alcantara at Kobe Paras. Kung titingnan lang daw si Kobe, tahimik ito at mahiyain. Pero, kapag komportable na sa isang tao, madaldal ito at palabiro.
At ito ang natuklasan ni Kyline habang nagtatagal ang kanilang relasyon, kaya nagkakasundo at swak na swak sila sa isa’t isa.
Marami rin ang nakakakita na seryoso talaga si Kobe kay Kyline. Naipakilala na rin ni Kobe si Kyline sa kanilang mga kamag-anak nang magbakasyon sila sa LA, California.
Ngayon lang daw ginawa ito ni Kobe Paras, kaya marami ang labis na naiinggit kay Kyline dahil siya ang pinili ni Kobe maging nobya.
TIYAK na magugulat at magtataka ang mga fans ni Julie Anne San Jose sa kanyang role na gagampanan sa murder/mystery seryeng Slay na may pagka-offbeat at kontrabida.
Makakasama rito ni Julie Anne sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos at Ysabel Ortega.
Ipapalabas ang Slay sa Viu ngayong Marso. Tiyak na aabangan ng mga viewers kung ano’ng role ang gagampanan nina Gabbi, Mikee at Ysabel sa SLAY.
Magsisilbing hamon ito sa kakayahan nila dahil kakaibang character ang kanilang gagampanan.