top of page
Search
BULGAR

Diver na sinunggaban ng pating, naiwang pangil, ginawang hikaw

ni Cedrick R. Lasala @Gulat Ka 'No?! | Nov. 12, 2024





Isa ka rin ba sa mga taong vitamin sea ang tingin sa karagatan? 

Kung oo ang sagot mo, hanggang saan mo kaya protektahan ang iyong sarili kung ikaw ay sakaling makatagpo ng isang malahiganteng pating sa karagatan? 


Kakayanin mo bang tapatan ang lakas ng pating at ang mga naglalakihan nitong pangil?


Ang ating bansa ay napaliligiran ng karagatan, kaya naman normal na sa atin ang makatanggap ng balita na may namataang pating na sakop ng ating teritoryo. 


Ngunit isang kakaibang karanasan ang naranasan ng isang diver na mula sa bansang South Africa na si Angus Kockott, 20 anyos. Kaya ano pang hinihintay n’yo besh? Halina’t basahin natin ang kanyang kuwento. 


Kalmado pa ang karagatan bago bumaba si Angus mula sa bangkang kanyang sinasakyan, habang sila ay pailalim nang pailalim, ang tangi lamang nilang nakikita ay ang mga maliliit na isda at ang naggagandahang corals sa ilalim. 


Subalit, laking gulat ni Angus nang may matanaw siyang isang pating at bigla na lamang siya nitong inatake. 


Agad na ipinangdepensa ni Angus ang kanyang braso upang hindi makagat ang kanyang leeg, at dali-dali siyang umahon pabalik sa bangkang kanyang sinasakyan. 


Sinubukan din ni Angus na iligaw ang pating, dahil sinundan pa siya nito. 


Agad naman siyang ni-rescue ng Military Aircraft patungo sa Tahiti Hospital. 


Matapos ang halos anim na oras ng kanyang operasyon, kinumpirma ng mga doctor na may nakuhang naputol na pangil mula sa sugat ni Angus sa kanyang braso. 


Ayon kay Angus, kung hindi niya ipinangdepensa ang kanyang braso, tiyak na mapupuruhan ang kanyang leeg. 


Samantala, ang pangil na nakuha sa sugat ni Angus ay ginawa niyang hikaw. 

It’s been a defining experience in my life, and that’s why I got the tooth made into an earring,” pagbabahagi niya. 


Matapos ang tatlong linggo na pamamalagi ni Angus sa Tahiti Hospital, agad siyang lumipad patungo sa kanyang tahanan sa South Africa. 


Du’n na niya umano ipagpapatuloy ang kanyang therapy at nerve treatments sa mga sugat na kanyang natamo.


Batay kay Angus, hindi niya masisisi ang pating matapos ang peligro na kanyang naranasan dahil alam niyang may kinalaman ito sa teritoryo.  


Once na maka-recover siya, nais muli ni Angus na makabalik sa karagatan at makapag-dive muli. 


Ang earring na suot ni Angus ay simbolo na isa siyang survivor mula sa kamatayan. 

Isa lamang ito sa mga kakaibang kuwento na kung saan ay nakaligtas ang biktima mula sa hagupit ng pating. 


Nawa ay matutunan din natin ang rumespeto sa mga teritoryo ng bawat nilalang sa ating mundo. 


Kung nanaisin n’yo mang bumisita sa karagatan at mag-dive, siguraduhing ligtas ang paligid at huwag kalimutang mag-ingat. 


Siguraduhin din natin na may sapat tayong kaalaman kung tayo man ay may masasagupang ganitong nilalang sa karagatan. Oki? Keep safe mga Ka-BULGAR!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page