ni Lolet Abania | December 22, 2022
Makararanas na ang bansa ngayong Huwebes, Disyembre 22 ng pinakamahabang gabi o longest night ng taon dahil sa tinatawag na December Solstice, kapag ang araw ay umabot na sa kanyang most southerly point sa papawirin, ayon sa PAGASA.
Batay sa astronomical diary ng PAGASA, ang December Solstice – na palatandaan ng unang araw ng winter para sa mga temperate countries – ay naitala ng alas-5:48 ng madaling-araw ngayong Huwebes.
“During the December Solstice, the northern hemisphere will experience the shortest day and longest night, this day also marks the first day of winter,” pahayag ng state weather bureau.
“Consequently, in the southern hemisphere, this day marks the first day of summer,” dagdag ni PAGASA.
Comentários