top of page
Search
BULGAR

Distribusyon ng unang bahagi ng fuel subsidy, kumpleto na sa mid-May – LTFRB

ni Lolet Abania | April 30, 2022



Ipinahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) ngayong Sabado na ang pamamahagi ng P2.5-billion fuel subsidy para sa mga public utility vehicle (PUV) drivers at operators ay makukumpleto na sa ikalawang linggo ng Mayo.


Sa isang interview, sinabi ni LTFRB Executive Director Kristina Cassion na sa ngayon nasa 180,000 PUV sector beneficiaries mula sa 264,000 na nai-record ng ahensiya ang nai-credit na para sa P6,500 fuel subsidy sa kanilang cash cards.


“We really wanted to fast-track this one… by the second week of May fully matapos na ito,” ani Cassion.


Ayon kay Cassion, ang first tranche ng fuel subsidies ay kailangang maipamahagi muna ang kabuuan bago mai-release ang second tranche.


Ang fuel subsidy program ng gobyerno – dalawang tranches ng P2.5 billion bawat isa – ay layong makapagbigay ng P6,500 cash grants sa 377,000 benepisyaryo, kabilang ang LTFRB-supervised PUV drivers at operators, tricycle drivers at operators sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), at delivery riders sa ilalim naman ng Department of Trade and Industry (DTI).


Una nang sinabi ni Cassion na ang LTFRB ay naghihintay pa sa listahan ng mga kuwalipikadong tricycle drivers at operators.


Para sa delivery riders sa ilalim ng DTI, ayon sa opisyal, may 27,777 benepisyaryo na ang pinoproseso ng Landbank para mai-credit ang fuel subsidy sa kanilang GCash o PayMaya accounts.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page