top of page
Search
BULGAR

Distribusyon ng COVID-19 vaccine sa US, sisimulan na sa Disyembre

ni Thea Janica Teh | November 23, 2020




Sisimulan na ngayong Disyembre ang distribusyon ng COVID-19 vaccine sa US habang patuloy na tumataas ang bilang ng kaso rito.


Ayon kay Moncef Slaoui na isang American researcher, plano nito na maipadala ang mga vaccine sa immunization site sa loob ng 24 oras matapos itong aprubahan ng US Food and Drug Administration.


Nakatakdang magmiting ang mga US Food and Drug Administration advisers sa Disyembre 10 upang pag-usapan at mabigyan ng approval ang vaccine na gawa ng Pfizer at Moderna na napag-alamang epektibo na ng 95%.


Nasa 20 milyong residente ng US ang inaasahang mabibigyan ng vaccine ngayong Disyembre at may target na 30 milyon kada buwan. Pagdating ng Mayo, maaaring nasa 70% na ng populasyon sa US ang nabigyan ng vaccine.


Ito na rin umano ang simula na bumalik sa dating buhay ang mga tao bago magkaroon ng COVID-19. Samantala, pinag-iingat pa rin ni Slaoui ang lahat at sinabing "I really hope and look forward to seeing that the level of negative perception of the vaccine decreases and people's acceptance increase. That is going to be critical to help us."


Sa ngayon, hindi pa nasusubukan sa mga bata ang vaccine ngunit, ayon sa mga doktor, sisimulan na ang trial na ito at maaaring mag-umpisa ang pamamahagi ng vaccine sa mga bata sa ikalawang quarter ng taong 2021.


Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page